MANILA, Philippines - Nakulong ang dalawang babae na airline emÂployees sa elevator 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ng halos 45 minuto, kahapon.
Nakilala ang dalawa na sina Cindy Tan at Hazell Raymundo, kapwa 21-anyos.
Ayon sa kanila, dakong ala-1 ng hapon ay sumakay sila ng service elevator sa may south wing ng NAIA T1 galing basement patungo sa ikalawang palapag ng gusali nang bigla itong tumigil.
“Noong una akala namin sandali lang at aandar na ito pero hindi ganoon ang nangyari, tumagal ito kaya naman gumawa kami ng paraan para marinig kami sa labas ng mga tao at nagsisigaw din kami gamit ang elevator telephone para may tumulong sa amin. Hindi rin namin magamit ang aming mga cellphone dahil walang signal sa loob kaya pinaghahampas na rin namin ang pinto para marinig kami,†anang dalawa.
Gayunman, isang Eena Fuentes, utility employee ng Bureau of Customs, ang nasa loob ng banyo at nakarinig sa ingay na ginawa ng dalawa at humihingi ng tulong.
Dahil sa pangyayari ay tumakbo si Fuentes sa kinaroroonan ni Louie Ricamara ng engineering department at pagkatapos ay magkasama nilang pinuntahan ang dalawang nakulong sa elevator gamit lamang ng huli ang bitbit niyang screw driver para mabuksan ang pinto nito.
“Pinagpawisan nang husto ang dalawang babae, kawawa naman nang lumabas sila sa elevator dahil walang electric fan sa loob nito,†anang airport observers.
“Dapat kasi unahin ng management ang mga problemadong kagamitan sa NAIA, alam naman nilang matagal na ang elevator na ito. Paano ngayon kung may nangyari,†dugtong ng airport observer.