MANILA, Philippines - Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) laban sa illegal sidewalk vendors, pinahintulutan naman ng pamahalaang lokal ng Parañaque ang mga ito na maglagay ng mga stall at magtinda sa kahabaan ng Redemptorist Road sa BacÂlaran ng naÂturang siyudad.
Gayunman, nilinaw ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na tanging ang dalawang linya lamang ng Redemptorist Road ang kanyang ipapaokupa sa mga vendors kaya’t maluwag na makakadaan pa rin sa daÂlawa pang linya ng lansangan ang mga motorista.
Sinabi ni Olivarez na hindi rin niya ipapa-okupa sa vendors ang bangketa sa gilid ng simbahan ng Our Lady of Perpetual Help upang maÂging maluwag ang daanan ng mga deboto patungo sa loob ng simbahan.
Ayon sa alkalde, nagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panlungsod na nagbibigay ng pahintulot sa mga vendors na makapagtinda sa naturang lugar hanggang matapos ang panahon ng Kapaskuhan, kapalit ng pagbabayad ng P1,000 kada buwan para sa isang puwesto na may sukat na isang metro kuwadrado.
Bukod dito, magbabayad din ng P20 ang mga vendors araw-araw sa lokal na pamahalaan at P10 naman sa barangay na pawang may kaukulang resibo.
Inatasan na rin ni Olivarez ang kapulisan na bantayan at huwag pahintulutan ang mga illegal vendors na gumagamit ng de-gulong na kariton na umookupa sa lansangang dinaraanan ng mga motorista.
Nilinaw din ng alkalde na pansamantala lamang ang pagpapahintulot na maokupa ng mga vendor ang dalawang linya ng lansangan dahil binabalangkas na nila ang permanenteng solusyon sa oras na makumbinsi nila ang may-ari ng malawak na loteng pag-aari ng Asiana upang pagtayuan ng permanenteng pwesto ng mga manininda.