MANILA, Philippines - ‘Beyond recognition’ dahil sa pagkatusta ang katawan ng isang negosyante nang ma-trap sa nasusunog na gusali ng kanilang tahanan, habang na-suffocate naman at nagtamo ng kaunting sugat ang kanyang misis at dalawang anak, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling- araw.
Sa ulat ni SFO3 John Joseph Jalique, Arson investigator ng Manila Fire Bureau, patay ang biktimang si Andrew Tang,57, habang ligtas naman ang maybahay nitong si Kristine, 47; at mga anak na sina Kelvin, 19; at Aldrin, 20, pawang residente ng nasunog na #2512 Leonor RiÂvera St. Sta. Cruz, Maynila, maÂtapos dalhin sa Chinese General Hospital.
Ayon kay Kristine, posibleng ang nakabukas na Rota-aire electric fan na gamit sa pampatuyo ng mga nilabhang damit sa ika-2 palapag ang naÂging dahilan ng sunog matapos na mag-over heat ito.
Nabatid na natuÂtuÂlog ang pamilya nang magsimulang sumiklab ang apoy at nang marinig ni Andrew ang fire alarm sa gusali ay bumaba ito upang tingnan subalit na-trap ito sa kapal ng usok at apoy sa daraanan.
Bandang alas-2:57 ng madaling-araw at umabot sa ika-apat na alarma bago naapula dakong alas-3:44.
Naisalba naman ang mag-iina na kamuntik nang ma-trap sa sunog, nang mabuksan ng mga bumbero ang nakakandadong fire exit.
Tinatayang P1-milÂyong halaga ng ari-arian ang natupok.