Obrero minaso ng foreman

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang isang construction worker makaraang hatawin ng maso ng kanyang foreman sa isang inuman sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot  sa Jose Reyes Memorial Hos­pital  ang biktimang si Lui­sito Requerto,  32, binata, ng  Mango St., Brgy. Pot­rero ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Noel Bacabis, 36, foreman at residente ng Dulo Lambakin, Marilao, Bulacan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa isang construction site sa Mango St., Brgy. Potrero ng naturang lungsod.

Magkasama sa inuman ang suspek,  biktima at ilang kasamahan, subalit ang kanilang kuwentuhan ay nauwi sa mainitang pagtatalo.

Pumasok ang biktima sa loob ng compound  at sinundan ng suspek hanggang sa biglang dumampot ng maso ang huli at hinataw sa mukha ang una.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas angsuspek, habang ang biktima ay dinala sa nasabing ospital.

Show comments