MANILA, Philippines - Utas ang isang lolong negosyante matapos itong pagtulungang barilin at pagtatagain ng apat na miyembro ng Barangay Police Action Team (BPAT), kahapon sa Navotas City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si George BullosÂ, 59, ng Old Fishport, Brgy. Northbay Boulevard South ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga taga at tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kaÂtawan.
Nadakip naman ang isa sa apat na suspek na si Lino Bacalunay, 50, presidente ng BPAT habang nakatakas naman ang miyembro nito na sina Jeffrey Bacalunay, anak ng suspek; Serafin Orolano, Eliseo Bardeloza, pawang residente ng Virgo Drive ng nasabing barangay.
Ayon sa report na natanggap ni Senior Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas City, naganap ang insidente dakong alas- 10:00 ng umaga sa Virgo Drive, Brgy. NBBS ng naturang lungsod habang ang biktima at ang anak nitong si Gerald ay naglalakad sa nasabing lugar nang harangin ng mga suspect.
Agad na pinagtataga at pinagbabaril ng mga suspect si George na naÂging dahilan ng kanyang kamatayan.
Sa isinagawang follow-up ng mga pulis, nadakip ang suspek na si Bacalunay habang nagpapagamot ito sa naturang ospital dahil sa mga sugat nito sa paa.
Ang iba namang suspek ay pinaghahanap pa ng mga pulis. Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.