MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ang katawan ng isang 22-anyos na lalaki na naging sanhi ng kamatayan nito nang diÂumano’y resbakan ng dalawang hindi pa kilalang mga suspect sa onsehan ng iligal na droga, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang nasawi na si Mark Leonard Ricosana, alyas “Makingâ€, residente ng Quezon St., Tondo, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi, nang biglang sumulpot ang dalawang suspect at pinaulanan kaÂagad ng putok ang biktima na nakaupo sa Osmeña St.
Nagawa pang makatakbo ng biktima kahit may mga tama na ng bala sa katawan subalit hinabol siya ng mga suspect at nang buÂmagsak sa isang plastic container ay muling pinaputukan upang siguruÂhing hindi na mabuÂbuhay.
Ayon sa pulisya, posibÂleng may kaugnayan ang resbak sa pagpatay sa isang Benjamin delos Santos, 42, nitong nakalipas na Martes, na sinasabing na-estafa na sa pagbili ng shabu ay binaril pa.