Trader na nagpuslit ng submarine kinasuhan

MANILA, Philippines - Sinampahan ng  kaso sa Department of Justice (DOJ) ng Bu­reau of Customs (BOC) ang isang negosyante nang tangkain nitong ipuslit ang isang submarino mula bansang Korea. 

Ayon kay Custom Commissioner Ruffy Bia­zon, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 2503 ng tariff­ and Customs Code of the Philippines at Ar­ticle 172 ng Revised­ Penal Code, ang kahaharapin si Ro­berto Navarra at ang kanyang licenced customs broker na si Lucman Calbe Jr. sa ma­ling deklarasyon sa ka­nilang kargamento.

Idineklara nilang mga bahagi ng motor at accessories ang hiwa-hiwalay na bahagi ng isang recrea­tional submarine na nagkakahalaga ng P5 milyon na mula pa sa Korea.

Nabatid na dumating­ ang kargamento na “complete knockdown” na isiniksik sa isang 15 ft container noong Mars­o 12, 2013 sa Manila International Container Port at nakapangalan sa Dionysus Trading na pag-aari ni Navarra.

 

Show comments