Newly graduate, nagbaril sa sarili

MANILA, Philippines - Isang 22-anyos na kaga-graduate pa lamang sa kolehiyo ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

 Dead-on-the-spot si   Maria Victoria Legaspi, 22,  ng Euroflat  Building Unit 205,  Yakal St.,  Brgy. Comembo ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala sa kanang sentido  buhat sa kalibre .9mm na baril.

Lumalabas sa imbestigasyon ni  PO3 Ronaldo Villaranda,  ng Station Investigation  and Detective Management Branch (SIDMB),  Makati City Police dakong alas-10:25 nang matagpuan ang biktima na duguan at wala ng buhay ng kanyang kapatid na si Christina.

Bago naganap ito, nakarinig ng putok ng baril si Christina mula sa kuwarto ng kapatid na si Maria Victoria, kung kaya’t agad niya itong pinuntahan at tumambad sa kanyang harapan ang  duguan at wala ng buhay na biktima na nakahandusay sa kama nito.

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang kalibre .9mm pistol. Nalaman na kaga-graduate lang ng biktima sa kursong HRM sa FEU. Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang dahilan nang pagpapakamatay ng biktima.

 

Show comments