MANILA, Philippines - Tiniyak ng Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) sa mga bus operators na matatapos na sa susunod na linggo ang mga dagdag na pasilidad at ibang pagbabago sa Southwest Integrated Provincial Terminal (SWIPT) upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasahero at bus drivers.
Ito ang binitiwang salita ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa mga bus opeÂrators matapos na matuloy ang kanilang pagpupulong sa kanyang tanggapan.
Ipinaalala ni Tolentino sa mga operators na paglabag sa kanilang prangkisa ang ginawang kilos-protesta ng kanilang mga tsuper habang dapat magtiis umano ang lahat habang nasa “adjustment period†sila sa terminal.
Kabilang sa mga pagbabagong gagawin ng MMDA na base sa mga lehitimong reklamo ay ang: konstruksyon ng “covered walkway†mula Roxas Boulevard Coastal Road footbridge patungo sa SWIPT; taxi bay sa terminal exit sa MIA Road; pagpapaÂlapad sa SWIPT MIA Road exit tungo sa Coastal Road na magsisilbing “exclusive lane†sa mga Cavite buses.
Kasama rin ang pagsaÂsaayos ng daan ng mga bus sa loob ng terminal; pagkaÂkabit ng mga “exhaust fans, drinking fountainsâ€; habang plano rin na magpalabas ng libreng pelikula at concert para sa mga pasahero.
Dagdag na mga “loading/unloading baysâ€; konstruksyon ng Terminal 2 para sa mga bus na biyaheng AguiÂnaldo Highway; at hiwalay na “dispatch system†para sa mga airconditioned at ordinary buses.
Para sa mas mabilis na pila ng bus, isang beses na lamang idadaan sa “fingerprint scanning†ang mga tsuper buhat sa dating kada biyahe.