MANILA, Philippines - Binulabog ng malakas na pagsabog ang pamilya ng isang chief executive officer ng isang construction firm sa Brgy. Laging Handa, Quezon City, makaraang ha gisan umano ang bahay nito ng granada ng hindi nakikilalang salarin kahaÂpon ng umaga.
Sa naturang pagsabog ay naging ugat para bahagyang mapinsala ang gulong ng isang Toyota Fortuner at magkabutas-butas ang dingding ng gate sa tahanan ng may-aring si Engr. Reynaldo Fuentes na matatagpuan sa may Scout Fuentebella, Brgy. Laging Handa, Quezon City.
Ayon kay QCPD di rector Chief Supt. Richard AlbanoÂ, base sa pahayag ni Fuentes, personal at paÂnanakot umano ang motibo ng pagpapasabog sa kanyang bahay, dala na rin ng kanyang bagong posisyon sa kanilang kompanya.
“Base na rin sa pakikiÂpag-usap natin kay FuenÂtes, maaaring ang pagiging CEO niya sa kompanya ang dahilan at tinatakot siya,†sabi ni Albano.
Sa pagsisiyasat ng bomb squad ng QCPD narekober sa lugar ang pin ng granada na hinihinalang mula sa M2K fragmentation handgrenade at ilang sharpnel mula dito.
Nangyari ang insidente ganap na alas-6 ng umaga.
Sabi ni Albano, nasa loob ng kanilang tahanan ang pamilya Fuentes nang biglang sumabog ang gaÂwing garahe ng kanilang tahaÂnan. Masuwerte namang walang nasaktan sa naturang insidente maliban sa mga naturang napinsala.
“Makukuha na natin agad sila (suspect) dahil sa nakitang CCTV cameraÂ,†giit ni Albano.