MANILA, Philippines - Sa kabila ng isinagawang re-organisasyon sa Bureau of Customs (BOC), nagpalabas ng Memorandum Order si Customs Commissioner kung saan nagkaroon ng status quo sa tatlong collector sa sub-port level.
Kabilang sa mga ito ay sina Port of Batangas District Collector Tomas Alcid, Sub-Port of Mariveles, Bataan District Collector Atty. Elvie Cruz at Port of San Fernando, La Union District Collector Fidel Villanueva.
Ayon kay Biazon, ang status quo order ay epektibo hangga’t walang inilalabas na awtorisasyon mula sa Department of Finance hinggil sa panukalang reorganization ng District Collectors.
Paliwanag ni Biazon, desisyon niyang panatilihin si Alcid sa puwesto dahil kapapalit lamang nito sa nagretirong collector.
Aniya, nagsisimula pa lamang si Alcid na bumuo ng kanyang network sa Batangas habang si Villanueva naman ay mananatling District Collector ng Port of San Fernando, La Union dahil sa isinasagawang containerization program.
Mananatili din sa puwesto si Cruz sa Sub-Port of MariÂveles, Bataan dahil nasa proseso nang pag-isahin ang Port of Limay at Sub-Port of Mariveles.
Sinabi ni Biazon, na ang kanyang panukalang balasahan ng mga collectors ay para sa 14 District Collectors lamang ng BOC. Susunod namang babalasahin ang section chiefs, customs examiners and appraisers.