MANILA, Philippines - Pinuri ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pamuÂnuan ng Manila Police District (MPD) matapos nitong makuha ang parangal bilang Best Police Station ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Sa pagdalo ni Estrada, isang boodlefight din ang isinagawa sa MPD multi-purpose kasama ang mga opisyal at tauhan ng MPD kung saan nagbigay din ito ng tseke na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Ayon kay Estrada, mas malaking hamon ito sa pamuÂnuan ng MPD sa panguÂnguna ni MPD Director, Chief Supt. Isagani Genabe dahil mas dapat nitong paigtingin ang kanilang kampanya laban sa iba’t ibang krimen sa lungsod.
Ang parangal aniya ay isa ring indikasyon na nanunumbalik na ang pagiging ‘Manila’s Finest’ ng kapulisan mula sa ‘Manila’s Worst’.
Tiniyak din ng alkalde na walang magaganap na hosÂtage-taking sa kanyang administrasyon dahil mahigpit ang kanyang kautusan upang hindi ma-low morale ang mga pulis.
Pinasisimulan na rin ni Estrada ang pagbibigay ng P2,500 na monthly allowance ng mga pulis na manggaÂgaling sa kanyang personal funds.