MANILA, Philippines - Isang bagong silang na sanggol na nakasilid sa kahon ang natagpuang wala nang buhay sa isang subÂdibisyon sa lungsod ng Quezon kamaÂkalawa ng hapon.
Sa ulat ni SPO1 Joselito Gagaza ng Criminal InvesÂtigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, natagpuan ang sanggol ganap na alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng Kingspoint Subdivision, Brgy. Bagbag, sa lungsod.
Ayon sa nakakitang si Jeffrey Negre, security guard, nadiskubre niya ang sanggol na nakasilid sa isang kahon na may nakalagay sa binti nito at nakasaad ang Baby Julian LTCS F-67887 Dr. Mateo. Agad itong inireport ng sekyu sa pulisya.
Sa inisyal na imbestigasÂyon ng Quezon City Police Station 4, dalawang araw pa lamang umano nailalabas sa ospital ang sanggol bago ito matagpuang patay sa lugar.
Sabi ng pulisya, posibleng buhay pa ang sanggol nang ilabas sa ospital at nang naÂmatay ay saka itinapon.
Patuloy pang nagsasagawa ang pulisya ng imbestigasyon upang matukoy ang mga magulang na posibleng nagtapon sa sanggol.