MANILA, Philippines - Binurdahan ng saksak ang mukha ng isang 16-anyos na First Year Education student ng National Teacher’s College ng tatlong ‘di pa kilalang salarin sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si John Phillip Malla,ng #48-B Roxas St. Tondo, Maynila na idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc.
Sa ulat ni PO3 CrisÂpin Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, alas-8:47 ng gabi ng makitang nakahandusay at duguan ang biktima sa tabi ng A. Mabini Elementary School sa Ma. Carpena St., Quiapo.
Sa kuha ng CCTV ay may kasamang dalawa ang biktima, ang isa ay tulad niyang nakasuot ng unipormeng puÂting polo at itim na pantalon, isang nakasibilyan habang naglalakad sa Bilibid Viejo at nakita rin na may bumubuntot na tatlo pang lalaki na naka-sibilyan.
Gayunman, hindi na naÂhagip pa ng CCTV ang aktuwal na pangyayari ng pananaksak at pagpatay na nakitang lumiko ang mga biktima kasunod ang mga suspect.
Nagkanya-kaniyang takbo na ang mga suspect at kaÂsama ng biktima matapos ang panaÂnaksak dahil may pumaradang kotse na nakaÂkita sa kanila na nagreport ng insidente.
Nabatid sa kaanak ng biktima na si Rodolfo Aboy, (tiyuÂhin) na nasa Romblon ang ina nito na isang titser, habang ang biktima ay nag-aaral sa Maynila.
Lungkot at hinanakit ang namutawi sa tiyuhin ng biktima na nagsabing halos hindi nila padapuan ng lamok ang pamangkin na pinatay lamang ng brutal.
Hindi tinangay ng mga suspect ang cellphone at maging ang bagong relos na kabibili lamang ni Aboy para sa pamangkin, na nagpapatibay na hindi holdap ang motibo kundi selos dahil sinira ang mukha ng biktima.
Naniniwala ang tiyuhin ng biktima na maaring may kaÂribal sa pag-ibig ang pamangkin dahil may nobya na ito.