MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa dulot pa rin umano ng paggalaw ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado.
Muling pinangunahan ng mga higanteng kompanyang Pilipinas Shell, Petron Corp. at Chevron Phils. ang panibagong dagÂdag-bawas dakong alas-6 kahapon ng umaga.
Sa kanilang advisory, kakarampot na 50 sentimos kada litro ang tinapyas sa presyo ng premium, unleaded at regular gasolines habang tinaasan naman ng 25 sentimos sa kada litro ng kerosene at 20 sentimos sa kada litro sa presyo ng diesel.
Nagsisunuran naman sa galaw ng presyo ang mga independent players na Total Philippines at PTT Oil Corp. habang inaasahang susunod din ang iba pang oil players.
Kasunod nito, dakong alas-10:30 ng umaga nang magsagawa ng noise barrage ang Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa service road ng Roxas Blvd. sa Pasay City kahapon.
Tinuligsa ng grupo ng mga jeepney drivers ng PISTON ang panibagong dagdag-presyo sa diesel na ipinatupad ng mga kompanya sa pangunguna ng tatlong dambuhalang kompanya ng langis at kaÂkarampot na rolbak sa gasolina.
Sinabi ni PISTON national president George San Mateo na maaaring nagpatupad ng 20 dagdag presyo sa diesel ang komÂpanyang Petron upang mabawi ang nalugi sa kanila nang tumagas ang kanilang pipeline sa Rosario, Cavite dahil sa kanilang kapabayaan at nais na ipasa ito sa mga pampublikong motorista.
Tila nagsisunuran naman umano dito ang iba pang kumpanya ng langis dahil sa dagdag nilang kikitain at dahil sa ipinatutupad na monopoly sa presyo ng langis.