MANILA, Philippines - Sinisi ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Land TransÂportation FranÂchising and Regulatory Board (LTFRB) sa naranasang masikip na daloy ng trapiko sa lungsod.
Ayon kay Estrada, sobra-sobra umano ang ibinibigay na prangkisa ng LTFRB sa mga bus operators kung kaya’t panahon naman nila para ayusin ito.
“Pag magkakaroon ng pagbabago, siyempre may resistance. Kamukha niyan mga ilang taon na ’yan. Mahigit isang dekada na yata na ang kolorum ay pasukan nang pasukan kaya sobrang trapik ng Maynila. Tapos yung may prangkisa sobra ang biniÂbigay, libu-libo, kaya hindi talaga kaya ng kalye sa Maynila,†ani Estrada.
Nabatid kay Estrada na hanggang sa ngayon ay hiÂniÂhintay pa rin nila ang bantang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng mga bus operators bunsod na rin ng kanilang ginawang bus ban sa lungsod.
Matatandaang ipinatupad ng konseho ng Maynila ang Resolution No. 48 na nagbabawal sa mga bus na bumiyahe sa lungsod.
Pinag-aaralan na rin ni Estrada ang pagsugpo sa mga colorum jeepneys at kuliglig sa Maynila.
Idinagdag pa ng alkalde na marami ang nagpasalamat sa kanilang aksiyon dahil naging maluwag na ang daloy ng trapiko sa ilang pangunaÂhing kalsada sa Maynila.
trapik sa Maynila
Doris Franche-Borja