Kakaibang delivery man

MANILA, Philippines - May kakaibang ugali at lahi ang 32-anyos na pizza delivery man mula sa 10 milyong tao sa Metro Manila matapos nitong isauli­ sa tunay na may-ari ang natagpuang mahahalagang doku­mento at malaking halaga sa basurahan ng pinapasukang kompanya noong Sabado ng madaling-araw sa Sta. Mesa, Manila­.

Si Yellow Cab pizza rider Jhon Jhon Santos na pinalaki ng kanyang mga magulang na maging tapat sa anumang bagay ay naitanim na sa kanyang isipan ang katagang “Kung hindi sa inyo, isauli ninyo. (If it isn’t yours, return it.)”

Hindi ininda ni Santos ang nadaramang pagod mula sa kanyang trabaho bilang delivery man at pinilit pa rin nitong kontakin ang tunay na may-ari ng dalawang US passports, a set of keys, apat na credit at ATM cards at isang notebook.

Ang mga nabanggit na mahalagang dokumento at personal na gamit ay natagpuan ni Santos habang naglilinis ng basurahan sa sangay ng Yellow Cab Pizza sa Mezza, Sta. Mesa, Manila.

“Sabi ko, “Dapat maisauli ito, nakakaawa naman, mag-ina pa. Baka hinahanap na ‘yung passport,” pahayag ni Santos na dating jeepney driver at single father ng tatlong anak na babae.

Sinikap ni Santos na tawagan ng ilang beses ang kontak number ng may-ari ng gamit matapos nitong matagpuan sa note­book ang bank receipt subalit walang sumasagot sa kanyang tawag.

Dahil sa may nakaatang pang ilang trabaho kay Santos bago magsara ang Yellow Cab Pizza ay nakiusap siya sa co-worker na si Jomar na mag-send ng text message sa may-ari para nawala ang pag-aalala at makatulog ng mahimbing sa nawala nilang gamit.

Nabatid na ang may-ari ng mga gamit na napulot ni Santos­ ay mga balikbayan kung saan nagsama-samang kumain sa nasabing pizza cab kasama ang kanilang mga high school bar­kada noong Sabado ng gabi (Aug. 3)

At sa hindi inaasahan pangyayari ay nahulog sa basurahan ang dalawang US passports, malaking halaga at iba pa kung saan inakala nilang ninakaw kaya animo’y binagsakan ng  langit­ at naging balisa.

Subalit sa katauhan ni Santos ay naisauli ang mga gamit ng mag-inang balikbayan matapos na sagutin ang tawag sa cellphone na inakala nilang nagbibirong caller.  

“To me, this was like a miracle, something totally unexpected­. I had given up all hope in recovering my lost items,” pahayag ng balikbayang ina.

Kinabukasan ng Linggo, nagpasama ang balikbayang ina sa kanyang pinsan at tinungo ang sangay ng Yellow Cab Pizza sa Mezza kung saan sinalubong naman sila ng store’s branch manager na si Danica Bartolata.

Dito na isinauli ang mga gamit sa tunay na may-ari kung saan binanggit ni Bartolata ang pa­ngalan ni Santos na nakapulot at matiyagang tumawag sa mag-inang balikbayan.

Isinauli naman ni Santos ang ibinigay na hindi nabatid na halaga sa mag-inang balikbayan bilang gantimpala sa pagiging tapat.

 â€œWala naman po kasi sa akin ‘yun (ginawa ko). Ang sa akin lang po, maibalik ‘yung passport kasi siyempre kailangang-kailangan po nila” “Masaya po ako kasi naibalik ko yung gamit na kailangang-kailangan nila. Alam ko pong kailangan nila ‘yun” pahayag ni Santos.

 

Show comments