2,216 bagong iskolar ng LANI

MANILA, Philippines - Umabot sa 2,216 na mga bagong estudyante ang tu­manggap ng financial assistance sa ilalim ng P300-million Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program ng pa­mahalaang lokal ng Taguig.

Mismong si Mayor Lani Cayetano ang nag-abot ng scholarship grants sa mga kwalipikadong estudyante sa awarding na ginanap sa Taguig City University (TCU) auditorium sa General Santos­ Avenue, Upper Bicutan, Agosto 1- 2.

Ayon kay Bootes Lopos, officer-in-charge ng Taguig City Police and Education Office, nasa 3,700 ang bilang ng mga bagong scho­lars para sa unang semestre ng pag- aaral ngayong taon.

Nauna nang itinaas ng pamahalaan ng Taguig sa P300 milyon ang pondo ng programa mula sa P200 mil­yon upang mas mapalakas ang sektor ng edukasyon.

Ang LANI program ay may pitong basic categories: basic scholarship or financial assistance; full scholarships; state universities and colleges­ (SUCs) and local universities and colleges (LUCs) scho­lar­ships; premier/specialized schools scholarships; leaders­ and educators advancement and development (LEAD); re­­view assistance program for bar and board reviewees; at priority courses and skills training.

Ang patuloy na pagdami ng mga scholars ng programa ay malinaw na senyales na prayoridad pa rin ng admi­nistrasyong Cayetano ang edukasyon sa Taguig.

Sa kasalukuyan ay uma­abot na sa mahigit 27,000 scholarships ang naipama­hagi sa mga mahihirap ngu­nit karapat-dapat na estud­yante sa Taguig.

Show comments