MANILA, Philippines - Umabot sa 30 kolorum bus ang hinuli sa unang araw ng “Oplan Goliath†ng Metropolitan Manila DeveÂlopment Authority (MMDA) at ng Land Transportation Franchising and ReguÂlatory Board (LTFRB) sa kahabaan ng EDSA kahapon.
Bukod pa rito ang apat na taxi at isang namamaÂsadang pribadong saÂsakyan ang hinuli rin ng mga traffic enforcer ng MMDA katuwang ang mga opisyal ng LTFRB. Dinala ang mga sasakyan sa impounding area ng MMDA sa Pasig City.
Nabatid na unang isinagawa ang panghuhuli sa may Balintawak area kung saan 10 kolorum na mga bus ang kaagad na nahuli. Isa sa bus na nahuli ay may biyahe hanggang Moncada, Tarlac lamang ngunit umaÂbot ng Quezon City.
Matapos ang pagkakabulaga, tumumal ang panghuÂhuli ng MMDA at LTFRB makaraang ialerto na ng mga kapwa bus drivers ang mga kasamahan na kolorum sa pamaÂmagitan ng text messages kaya hindi na bumiyahe ang mga ito sa EDSA.
Sa kabila nito, magpaÂpatuloy pa rin ang kanilang isasagawang opeÂrasyon na gagawing biglaan upang mahuli sa akto ang mga koÂloÂrum bus na paÂtuloy na nagiging pasaway sa EDSA.