MANILA, Philippines - Umalerto ang National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos ma-monitor ang presensya ng ilan umanong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Metro Manila.
Sinabi ni NCRPO Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., na inutos na niya ang pagpapalakas ng security measures sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno sa Metro Manila partikular na sa mga shopping malls at iba pang matataong lugar.
“We intensify our security measures, that is being conÂsidered (specific threat),†ani Garbo nang matanong sa posibleng banta ng terorismo na posibleng ihasik ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Metro Manila.
Samantala, bantay-sarado rin ang MRT, LRT station at iba pang mga dinarayong lugar.
Una rito, naaresto ng mga operatiba ng pulisya noong nakalipas na Hulyo 25 ang isang miyembro ng Abu Sayyaf na si Taib Basal Sali, alyas Gong-Gong Sali/Abu Husni, may patong sa ulong P5.3 milyon sa isinagawang operasyon sa Payatas, Quezon City.
Sinabi ni Garbo na bagaman wala namang direktang banta ng terorismo ang ilang Abu Sayyaf lalo na ngayong inoÂobserbahan ng mga Muslim ang Ramadan na na-Âmonitor ng intelligence operatives na nasa Metro Manila ay mas mabuti na ang nakahanda ang kapulisan sa Metro Manila.
Ayon kay Garbo, dahil sa pinalakas na opensiba ng tropa ng militar at ng pulisya sa Mindanao laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group, ilan sa mga ito ay nagsisipagtago na umano sa Metro Manila.
Kaugnay nito, ayon pa sa NCRPO Chief ay higit pang pinaigting ang intelligence monitoring at surveillance operations laban sa naturang mga lokal na teroristang grupo upang mapigilan ang paghahasik ng mga ito ng terorismo.
Magugunita na ang mga teroristang Abu Sayyaf ang naÂsangkot sa Super Ferry 14 bombing sa Manila Bay na ikinaÂsawi at ikinasugat ng tinatayang mahigit 100 katao noong Pebrero 27, 2004.