MANILA, Philippines - Patuloy na makararanas ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang mga motorista partikular sa EDSA Avenue dahil sa isinasagawang re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa traffic advisory ng MetroÂpolitan Manila DeveÂlopment Authority (MMDA), simula noong Biyernes ng gabi hanggang bukas, araw ng Lunes ng alas-5:00 ng umaga ay nagsagawa ng re-blocking ang DPWH sa area ng Elliptical Road, EDSA, Quezon City at Caloocan.
Nabatid na sa area ng Quezon City ang re-blocking sa may kahabaan ng EDSA, mula Jack Motors hanggang Dario Bridge sa may southbound, Elliptical Road papuntang Commonwealth Avenue, ikatlong lane mula sa center island sa pagitan ng Kalayaan at Maharlika Avenues.
Patungong East Avenue ikaanim na lane, mula bangketa pagitan ng Visayas at Quezon Avenues at gayundin sa kahabaan ng Araneta AvenueÂ, mula Aurora Boulevard pagkatapos ng Palanza St.
Sa Caloocan naman ay sa Edsa, Monumento Circle, south-bound lane 4, mula Gen, Simon St. hanggang Monumento Circle, pagitan ng G. De Jsus St. at Gen. Tirona St. north-bound lane.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa pagsisikip ng trapiko.