MANILA, Philippines - Tuloy ang pagdiriwang ng Quezon City government sa ‘Pride March’ sa darating na Disyembre bilang testamento ng pagsuporta sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community sa bansa.
Ito ay makaraang lagdaan ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang ordinance SP 2191, S-2012 na layong bumuo ng QC Center para sa LGBT upang matulungan ang mga babae at batang biktima at survivor ng karahasan at pang-aabuso.
Isinasagawa ang ‘Pride March’ taun-taun sa maraÂming lugar sa bansa na nagÂlalayong paglapitin ang mga nasa 3rd sex at hikayatin ang mamamayan na suportahan ang LBGT kasama ang iba’t ibang sektor.
Sa pamamagitan din nito, naipakikita rin ng LGBT community na kaya rin nilang maÂging matagumpay sa kabila ng diskriminasyon sa kanila at may lugar din sila sa lipunan.
Ayon kay Councilor Aly Medalla at ng mga co-sponsors ng resolusyon, makatutulong ang QC sa LGBT community kung ang lungsod ang siyang mangunguna sa ‘Pride March’ ngayong taon.
“I believe that everyone has the right to be treated equally in this society, that even if we are part of the third sex, we should be respected as humans, and by hosting the Pride March, QC can show its full support to the LGBT community,†ani Mayor Bautista.