Dumayo sa kapitbahay, saka nagpakamatay

MANILA, Philippines - Dumayo pa sa kapitbahay ang isang binata at doon isinagawa ang kanyang pagpapatiwakal matapos dam­damin ang pakikipagkalas ng kanyang  nobya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela Ge­neral Hospital si Gervy Marcelo, 20, residente ng Brgy. Coloong 1 ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-6:00  ng gabi nang makita ni Patrick Anicito na nakabigti ng nylon cord sa kanilang bahay si Marcelo sa nabanggit na lugar kung kaya’t agad niya itong kinalag  at dali-daling isinugod sa naturang ospital ang biktima bago sinabihan ang mga kaanak ni Marcelo sa insidente.

Nabatid sa pulisya, na kinalasan ng kanyang nobya ang biktima na na­ging dahilan upang labis nitong dam­damin kaya ito nagpatiwakal.

Show comments