MANILA, Philippines - Anak umano ng isang heneral ng China ang tinutugis na puganteng lider ng Hong Kong triad drug synÂdicates na kasamahan ng mga naÂarestong mag-asawang puganteng sina Li Lan Yan at Wang Li Na.
Ito ang ibinulgar kahapon ni Senior Supt. Jose Mario Espino, lider ng team ng PNP-CIDG-Anti-Organized Crime Task Force (PNP-CIDG-AOCTF) na umaresto sa mag-asawang si Li Lan Yan, alyas Jackson Dy at Wang Li Na.
Sina Jackson Dy ay naÂsakote nina Espino sa raid sa Infanta Subdivision sa San Juan City noong nakalipas na linggo matapos namang itakas ng Ozamis robbery gang ang mga ito nang harangin ang convoy ng mga jailguard sa Trece Martires City, Cavite noong Pebrero 20 ng taong ito.
Sinabi ni Espino base, sa kanilang intelligence moÂnitoring, ay anak ng isang maimpluwensyang heneral sa China ang isa pang tinutugis na si Li Tian Hua, lider ng Hong Kong Triad at fiÂnancier ng drug syndicates na kasama sa itinakas ng Ozamis robbery gang.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit maraming protektor na ilang mga tiwaling opisyal sa mga ahensya ng gobyerno si Li Tian Hua kaya hindi pa ito nako-convict sa kasong illegal drugs at marami ring nanghihimasok sa kanyang kaso.
Si Li Tian Hua, ayon pa sa opisyal, ang may-ari ng ni-raid na shabu laboratory sa TanzaÂ, Cavite noong 2008 kung saan aabot sa P2.8 bilyong halaga ng droga ang nasamsam ng mga awtoridad.
Nangangamba naman ang opisyal na hindi na nila mahanap pa at madakip si Li Tian Hua matapos silang sibakin sa serbisyo dahilan sa paglitaw ng dalawang umano’y mga whistleblower na sina Roy Delvo Miralles ng Guardshield Security Agency, guwardiya sa subdibisyon at ng hardinerong tinukoy sa alyas na Dino.
“Nagpanggap pang pulis si Miralles, dun pa lang sinuÂngaling na siya, all accounted ang mga pulis ko na nag-operate,†giit nito, matapos iharap sa mediamen ang 19 pulis na umaresto kina Jackson Dy at Wang Li Na.
Inihayag nito na sasampahan nila ng kasong perjury sina Miralles at Dino dahil sa pagsira sa kanilang pangalan at wala umanong katoÂtohanan ang alegasyon ng mga ito na pinag-agawan nila ang sinasabing 80 kilo ng shabu at P20-M cash.
“Instead na on the spot promotion for arresting Jackson Dy couple, on the spot investigation pa ang inabot namin,†ayon pa sa naghihimutok na si Espino na inaÂming demoralisado ang kanilang hanay sa takbo ng pangyayari dahil may mga ahensya ng pamahalaan na nagagamit ng sindikato ng droga.
Ayon sa opisyal, kumikilos na ang sindikato ng droga na kasamahan ng Hong Kong triad kung saan naghihinala silang pakawala ng mga ito ang lumutang na dalawang whistleblower na wala naman sa loob ng ni-raid na bahay.
Idinagdag pa nito na wala silang tanging hangad kundi malinis ang kanilang paÂngalan upang hindi naman masayang ang apat na buwang surveillance operation para maaresto ang mag-asawang Jackson Dy na tila sila pa ang nabaligtad.