MANILA, Philippines - Naudlot ang pagdalo sa SONA ng isang dating partyÂlist representative makaraan itong arestuhin sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng korte sa probinsya.
Dinakip ng mga tropa ng Quezon City Police District (QCPD) warrant section ganap na alas- 9 ng umaga si dating Senior Citizen Partylist representative Godofredo Arquiza habang sakay ng kanyang Toyota Hi-Ace van papalabas ng Hobart Village sa kahabaan ng Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan sa Novaliches.
Si Arquiza, miyembro ng 15th Congress, ay nakatakda sanang dumalo sa SONA ng Pangulo sa House of ReÂpresentatives sa Batasan ComplexÂ.
Inaresto si Arquiza ng QCPD sa bisa ng arrest warrant para sa two counts of libel na inisyu ni Batangas City Regional Trial Court branch 2 Judge Maria Cecilia Chua. Ang dating mambabatas ay dinala sa QCPD headquarters sa Camp Karingal para sa booking.
Ang kasong libel ay nag-ugat sa reklamo na inihain daÂlawang taon na ang nakaÂkaraan ng kanyang kasamahan sa partylist na si Francisco Datol Jr. at Plut Vazquez, hinggil sa kanyang privilege speech noong May 30, 2011.
Sa kanyang talumpati, nagbitaw umano si Arquiza ng mga defamatory remarks laban kay Datol, Vazquez at iba pang miyembro ng grupo. Sinabi umano ng daÂting mambabatas na si Datol, ikatlong nominado ng grupo at ang kanyang faction sa Senior Citizen partylist ay nagmaniobra umano noong 2010 para tangkaing makuha ang ikalawang nominado na si David Kho.
Tanging dalawang representatives mula sa Senior Citizen partylist ang naiproklama ng Commission on Elections (Comelec) noong 2010. Sa kanya pa ring talumpati sinabi ni Arquiza na pumayag si Kho sa “term-sharing†kay Datol at nagkusa na magre-resign sa December 31, 2011 para bigyang daan ang ikatlong nominado. Pero ang tangkang pagdiskwalipika sa kanya ay naunahan ng petsa nang resignation nito.
Ikinumpara din umano ni Arquiza ang grupo ni Datol sa isang criminal syndicate na siyang pinagsimulan ng paghahain ng kaso.
Nauna nang disqualified ng Comelec ang Senior Citizen partylist, na nakatanggap ng higit sa 600,000 votes at naging pang 10 sa naging halalan noong May 13 midterm elections.
Pero pinigilan ito ng Korte Suprema at ipinag- utos ang status quo order at pinabigyan ng pwesto sa partyÂlist pero hindi muna ipoproklama habang nakabinbin ang kanilang petisyon na komukwestiyon sa kanilang pagkakadiskwaÂlipika.