MANILA, Philippine s- Nakatakda nang palitan sa kanyang puwesto ang barangay chairman sa Caloocan City na nagtatago ngaÂyon makaraang barilin sa ulo at mapatay ang kanyang kabarangay kamakailan.
Sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na nakatakdang pumalit kay Barangay 136 Chairman Othello “Boy†Ocampo si Kagawad Doreco Nopal. Si Nopal ang number 1 na kaÂgawad sa barangay na siyang pinakakuwalipikado na pumalit kay Ocampo.
Matatandaan na itinuturo si Ocampo na siyang nakabaril at nakapatay sa kabarangay nitong si Wilfredo Diwa noong nakaraang Linggo makaraang sitahin siya sa ingay na nililikha dahil sa pagrerebolusyon ng sasakyan sa madaling-araw.
Nilisan naman ni Ocampo at ng kanilang buong mag-anak ang barangay maÂkaraan ang krimen at nagpadala na umano ng liham sa pamilya Diwa na humihiÂling na aregluhin na lamang ang kaso.
Una namang binigyan ni Malapitan si Ocampo ng 10 araw para lumutang at ipaubaya sa alagad ng batas ang imbestigasyon at upang hindi mapalitan sa kanyang puwesto.
Sinabi pa ng alkalde na kailangang magkaroon ng papalit sa isang barangay upang hindi maantala ang operasyon at serbisyo ng isang barangay hall sa kanilang mga nasasaÂkupan.