Bagong NCRPO chief, itinalaga

MANILA, Philippines - Itinalaga na kahapon ang bagong director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

 Sa isang turn-over cere­mony na dinaluhan ni PNP Chief Director General Alan  La Madrid Purisina  sa Camp Bagong, Taguig City, itinalaga nito bilang bagong NCRPO director si Police Chief  Supt. Marcelo P. Garbo  Jr. Si Garbo ay naging regional director ng Region 7, Central Visayas.        

Nabatid na si Garbo ay miyembro ng PMA Dimalupig Class 1981 at kilala itong drug buster sa PNP.

 Si Garbo ay pumalit kay dating NCRPO Director Ge­neral Leonardo Espina, kung saan itinaas ang pwesto bilang Chief Directorial Staff.        

Sa naging turn-over cere­mony, pinasalamatan ni Espina ang lahat ng staff ng NCRPO na nakiisa sa kanyang layunin upang mapaayos ang sistema ng kapulisan lalo na sa pagresolba ng krimen sa Kalakhang Maynila.

 

Show comments