MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang naging biktima ng summary execution ng sarili nilang mga kasamahan na sinasabing mga sangkot sa holdapan, kung saan isa ang patay habang nakaligtas ang isa nang magpatay-patayan, kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Manila.
Ito ang naging pahayag ng nakaligtas na si Jayson Mellones, 19, vendor at residente ng Balut, Tondo, Maynila.
Kasalukuyang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima nang kunan ng pahayag kahapon sanhi ng tinamong tatlong saksak sa likod, isang daplis na tama ng bala sa ulo, mga sugat sa braso, katawan at ulo at nakapulupot sa bibig niya ang packaging tape at itim na telang pinangbigti sa leeg at bakat pa ang marka ng posas sa kamay.
Samantala, ang kasama niyang si Aldrin OrdoñezÂ, 23, vendor, at kasama niya sa bahay, ay nadisÂkubre naman ng mga kabataang lalaki na nakasilid sa sako, sa Block 1 Dubai, Baseco Compound, Port Area, Maynila bandang alas-12:20 ng madaling-araw.
Isang Ricky Guinto ang nagreport sa pulisya sa biktimang nakasako na bukod sa sugat sa ulo dahil sa tama ng bala, ay napupuluputan din ng packaging tape ang bibig, nakasakal ang isang kulay itim na damit sa leeg, nakaposas ang kanang kamay habang sa kaliwa ay may nakagapos na packaging tape. Itinuro umanong mga suspect ni Mellones ang tatlo nilang kabarkada na kilala lamang sa alyas na sina Daniel Ubila, Jobert at Dennis.
Ayon kay Mellones, alas-11:00 ng gabi, kamakalawa nang sila ay simulang patayin sa hide-out nila sa Tambakan Block 4, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
“Papunta sana ’yong mga biktima sa burol ng anak ni Ubila (isa sa suspect), dahil inaanak daw yun ni Mellones, umaga pa lang ng alas-8 ng umaga nang magkita-kita ay niyaya sila ng mga suspek sa Tambakan para mag-inuman muna, pero pagdating sa lugar nagulat umano si Mellones dahil pinosasan sila, tinalian ng packaging tape at hindi na pinalabas sa lugar,†ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo.
Sinabi ni Mellones na steel bar ang pinanghampas sa kanila at dos-por-dos, pinagsasaksak at binaril sila sa ulo.
Umarte lamang umano siyang patay na kaya siya tinigilan ng mga suspect. Hindi pa malinaw kung bakit sila pinagÂplanuhan na i-salvage ng mga barkada.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na sangkot ang mga biktima at suspect sa mga holdapan kung saan umano nagkaroon na onsehan sa hatian kaya nagawang patayin ang kanilang tropa.