MANILA, Philippines - Tatlo katao ang dinakip sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District-Anti-Carnapping Unit kaugnay sa pagkakarekober ng mga nakaw ng assorted na gulong sa kanilang warehouse, na tinangay mula sa isang 20 footer van na dapat ay shipment sa isang consignee sa Puerto Prinsesa, Palawan at nagkakahalaga ng P1.9-milyon.
Nabatid sa ulat ni MPD-Anti Carnapping Unit (ANCAR) chief, Senior Insp. Rizalino Ibay, inaresto ang mga suspect na sina Erick Lacquio, 35, may-asawa, truck helper, ng no. 223 Sandico St., Tondo, Maynila; Edward Villaflor, 43, may-asawa, caretaker ng no. 42 C3 Road, Dagat-dagatan, CaÂloocan City at Liezel Bravante, 44, dalaga, caretaker, ng 41 C3 Road, Dagat-dagatan, Caloocan City, dakong alas-11:30 ng umaga kamakalawa sa loob ng Cheson Tire Supply sa no. 41 C3 Road, Dagat-dagatan, Caloocan City., dahil nasa kanilang pag-iingat ang mga nawawalang assorted tires.
Dumulog ang isang Reynold Reyes, 42, may-asawa at dispatcher ng Meridian Cargo Forwarder sa nasabing tanggapan dahil sa ulat na natanggap mula sa consignee sa Puerto Prinsesa, Palawan na walang lamang shipment na assorted tires ang dumating na 20-footer container van.
Sa kanilang imbestigasyon, ang nasabing kargamento ay ninakaw umano sa Port Area, Tondo ng grupo ng isang Romeo Gonzaga, alyas “Kabangâ€, isang suspect na may kinaÂkaharap na 6 counts standing warrant of arrest, kasama sina Johnrey Samane, truck helper at Erick Laquio at isang alyas Weng Villaflor.
Ang modus operandi umano ng grupo, na kinabibilaÂngan ni Lacquio (driver) ay pinuwersang buksan ang van gamit ang acetylene torch, at nang idiskarga ang mga gulong ay pinalitan ng mga sand bag para hindi mahalatang wala na ang kargamento.
Sa pagkakaaresto ng mga suspect, lumutang din ang isang Waimon Wong, may-ari ng Jalousy, Frame Aluminum Products, na nabiktima rin umano ng mga suspect.
Ang mga suspect na naaresto ay nakatakdang sampaÂhan ng kasong paglabag sa Anti-Highway Robbery Law (PD 532).