Kelot tinaniman ng bala sa ulo

MANILA, Philippines - Patay ang isang 19-anyos na binata nang barilin  sa ulo ng tatlong kala­lakihan,  kahapon ng ma­daling-araw sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Tondo­ General Hospital ang biktimang si Albert Lopez, ng 3rd Avenue, Caloocan City.

Hinahanting naman ng mga pulis ang mga suspect, na ang isa rito ay nakilalang si Jerico Agustin alyas Jr. Demonyo, ng BMBA Compound, Brgy. 120 ng na­sabing lungsod.

Ayon kay Supt. Ferdinand del Rosario, Deputy Chief of Police at hepe ng Public Information Office (PIO) ng Caloocan City  Police, naganap ang insidente dakong alas-2:40 ng ma­daling-araw sa 3rd Avenue, pagitan ng Maria Clara at Josefina Sts., ng naturang lungsod.

Kasalukuyang naglalakad ang biktima at ang tiyuhing si Louie Leano sa naturang lugar nang harangin ang mga ito ng mga suspect at walang sabi-sa­bing pinaputukan sa ulo ang una at pagkatapos ay ma­bilis na nagsitakas.

Dinala naman ang biktima ng kanyang tiyuhin sa nasabing pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay kung saan patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Show comments