2 karnaper kumana sa Kyusi

MANILA, Philippines - Muli na namang naghasik ng pandarambong ang dalawang miyembro ng carnapping group makaraang tangayin ang SUV ng 25-anyos na lalaki sa Quezon City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roey Frilles ng Brgy. Socorro, Cubao. Sa ulat ni PO2 Romeo Rimando, ipinarada ng biktima ang kanyang SUV (TOP-614) sa harapan ng kanyang bahay at papasok na sana sa gate nang lapitan  ng dalawang di-kilalang lalaki na nagpanggap na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Dito na tinutukan ng baril ang biktima subalit nanlaban ito kaya nagawang makatakas at tangayin ang nasabing SUV.  Narekober ng pulisya ang toy gun na ginamit ng dalawang karnaper, isang magazine ng cal. 45 pistol na may dalawang bala.

Show comments