MANILA, Philippines - Dahil sa iligal na pagkaÂkargador sa Ninoy Aquino InÂternational Airport (NAIA), nasawi ang isang lalaki makaraang barilin ng isang security guard ng paliparan sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Arnel Bonifacio, 35, ng Road 6, Pildera 2, ng naturang lungsod dahil sa tama ng bala sa likod habang isinugod rin sa naturang paÂgamutan maÂkaraang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso ang 19-anyos na si JoÂseph Gavriel Puig.
Nadakip naman ng pulisya ang suspect na si Edwin CaÂpistrano, 37, security guard ng Lockheed Security Agency at nakatalaga sa parking lot ng NAIA Terminal .
Sa imbestigasyon, unang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina CapisÂtrano at Bonifacio nang pagbawalan ng sekyu ang biktima na mag-alok ng pagkakargador sa mga pasahero ng paliparan dahil sa ipinagbabawal ito ng pamunuan ng NAIA.
Dakong alas-12 ng hatingÂgabi nang muling makita ng suspek ang biktima na nagkaÂkargador. Naghubad ng uniporme ang suspek at lulan ang kanyang motor ay pinuntahan ang biktima na nasa aktong ikinakarga ang bagahe ni Puig na kalalapag lamang galing sa Davao.
Nilapitan umano ni CapisÂtrano ang biktima at binaril ng dalawang beses sa likod. Tumagos naman ang bala at tumama sa braso ni Puig habang ang isang bala ay tumama sa kaliwang bahagi ng salamin ng taksi na minamaÂneho ng isang Edgardo Nopia.
Agad namang inaresto ng mga pulis si Capistrano makaraang ituro ng ilang saksi na siyang namaril sa biktima. ItiÂÂnanggi naman ni Capistrano ang bintang sa kanya sa pagÂsasabing .9mm pistol ang kanyang baril at hindi kalibre .45 base sa narekober na basyo ng bala sa lugar ng krimen.