Barberong naingayan sa bilyaran, kritikal

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang barbero ma­tapos na saksakin ng  isang lalaki na kanyang sinaway at binatukan dahil sa maingay na paglalaro  ng bilyar sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima si Rotnick Longino, 37, ng Ciudad Grande, Bgy. Lingunan ng naturang  lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Christopher Delima “alyas Bugok”, ng Fernando St., Bgy.  Malanday ng naturang  lungsod.

Base sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong  alas-10:30 ng gabi sa lugar ng suspect sa naturang lugar.

Nabatid na  dumayo ng bilyar ang biktima at la­sing ang suspect kung saan ma­ingay ito habang nagla­laro.

Naasiwa ang biktima at sinaway ang suspect,  suba­lit nagpatuloy pa rin sa pag-iingay na naging dahilan upang batukan ito ng biktima.

Nagalit ang suspect na naging dahilan upang magsuntukan subalit nagawang mabunot ng una ng dalang patalim at pagsasaksakin ang biktima.

Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima at nakahingi ng tulong  hanggang dinala ito sa naturang ospital at mabilis namang tumakas ang suspect.

Show comments