Jobless nagbigti

MANILA, Philippines - Hinihinalang ang pagiging jobless at madalas na pag­tatalo dahil sa kawalan ng sapat na panggastos ang nag­tulak sa isang 34-anyos na lalaki upang wakasan ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti, sa Tondo­, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ng Tondo ang biktimang si Edison Catalona, walang trabaho, ng no. 26 B, Dagupan Ext., Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang madiskubre ng live-in partner na si Michelle, na wala sa tabi ang biktima kaya hinanap ito at natagpuang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay­ gamit ang nylon cord.

Inamin ni Michelle na siya lamang ang naghahanap-buhay para sa kanilang araw-araw na panggastos na hindi naman kasya kaya nagtatalo sila ng biktima dahil wala itong mahanap na trabaho.

Desperado sa buhay at insecure umano ang biktima dahil pinakakain lamang siya ni Michelle.

Naniniwala naman ang iba pang kaanak ng biktima na nagpakamatay at walang foul play sa kaso kaya tumanggi silang isailalim pa sa awtopsiya ang bangkay­.

Show comments