Mister itinumba ng 3 armado

MANILA, Philippines - Patay  ang isang mister nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspect kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Fernando Abaigar, 30, construction worker, ng Flovi homes 7 Phase 6,  Letre, Brgy.  Tonsuya ng naturang  lungsod sanhi ng maraming tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t  ibang parte ng katawan.

Pinaghahanap naman ang tatlong suspect at ang isa dito ay nakilalang si alyas Ipot,  ng Paradize Village ng nasabing  barangay.

Naganap ang insidente dakong alas-6:15 ng gabi  sa Phase 2,  Paradize Village, Brgy. Tonsuya  habang naglalakad ang bik­tima pauwi sa kanilang bahay nang biglang harangin ng armadong kalalakihan na pinangunahan ni ‘Ipot’ at walang sabi-sabing binaril ang una.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang  motibo sa nasabing insidente.

Show comments