MANILA, Philippines - Inumpisahan na ang implementasyon ng ‘plastic ban’ sa lungsod ng Makati City makaraan ang siyam na taon maÂtapos na maipasa ang ordiÂnansa dito noong 2003.
Nasa 49 monitoring teams buhat sa Plastic Monitoring Task Force (PMTF) ang ipinakalat kahapon na naglibot sa mga establisimiyento sa lungsod para mabatid kung sumusunod ang mga ito sa ordinansa.
Nabatid na naipasa ang City Ordinance No. 2003-095 o “Use of Environment Friendly HaÂzards†noon pang 2003 ngunit nagbigay ng siyam na taong grace period na nagtapos nitong Disyembre 31, 2012. NguÂnit nagbigay pa si Mayor Junjun Binay ng anim na buwang ekstensyon na nagtapos nitong Hunyo 20.
Sa ilalim ng ordiÂnansa, ipinagbabawal na ang paggamit ng plastic at styrofoam sa pagbabalot ng mga pagkain at iba pang produkto.
Ang mga indibidwal na lalabag ay papatawan ng multang P1,000 multa o pagkakulong ng lima hanggang 30 araw.
Sa mga korporasÂyon o negosyo, multang P5,000 o pagkakulong ng may-ari ng hanggang 30 araw o pareho. Maaari ring maÂkansela ang business permit at lisensya ng mga ito.
Binubuo ang insÂpection team ng apat na miyembro na buhat sa Makati Action Center, Health Dept., liga ng mga Barangay, Business Permits Office, Economic Enterprise Mngt. Office, at Dept. of Envronmental Service.
Lilibutin ng mga ito ang mga supermarkets, pampublikong palengke, shopping malls/department stores, restoran, fast food chains, convenience stores, canteens, eateries at iba pa.