MANILA, Philippines - Patay ang tatlong miyembro ng notorious na Ozamis-Waray-Waray group, matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ilang minuto makaraang sitahin sa isang checkpoint at mabigo sa kanilang iligal na operasyon sa lungsod Quezon kahapon ng maÂdaling-araw.
Ayon kay Quezon City Police District director Sr. Supt. Richard Albano, nagbunga umano ang matagal nilang pagmamanman sa nasabing grupo matapos makatanggap ng intelligence report na ang mga ito ay may kikidnapin.
Dahil bigo sa kanilang gagawing pangiÂngidnap, nag-iba anya ng plano ang grupo kung saan tiÂnarget na lamang ng mga ito na holdapin ang isang pawnshop, subalit hindi rin natuloy makaraang matiyempuhan ng mga awtoridad sa checkpoint.
Dalawa sa mga naÂsawi ay nakilala sa paÂmamagitan ng nakuhang identification card na sina Rey Ebondias, 25, ng Segundo St., TS Cruz, Baesa, Quezon City, at Adan Surio, 37, ng Tigbao, Libangon, Southern Leyte habang ang isa ay isinalarawan na nasa pagitan ng edad 30-35, may taas na 5’3’’, matipuno ang pangangaÂtawan, nakasuot ng itim na t-shirt at kulay na brown na short pants.
Sabi ni Albano, estratehiya ng mga suspect ang pabagu-bago ng operasyon para lituhin ang mga awtoridad sa kanilang mga pakay.
Ang balak aniya na kidnapin ng grupo ay ang isang negosyante, pero pumaltos ang lakad ng mga ito at nagplano na lamang na mangholdap ng isang pawnshop.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Cristituto Zaldarriaga, nangyari ang engkwentro sa may harapan ng Neopolitan Business Park (Sta. Lucia Realty and Development Inc.) na matatagpuan sa kahabaan ng Mindanao AveÂ. Ext., Brgy. Greater Lagro, ganap na ala-1:41 ng madaling-araw.
Bago nito, nagsasaÂgawa ng checkpoint ang tropa ng District Police Safety Battalion ng QCPD sa pamumuno ni Police Senior Insp. Alejandro Pagar dahil sa ulat ng serye ng robbery hold-up sa kahabaan ng Mindanao Avenue corner Regalado St., patungong SM Fairview.
Habang naka-poste ang tropa sa lugar, naÂispatan nila ang mga susÂpect na sakay ng daÂlawang motorsiklo na pawang mga walang plaka at walang helmet kung kaya tinangka nilang paÂhintuin ang mga ito.
Sa halip umano na sumunod ay pinaarangkada ng mga suspect ang kanilang motorsiklo papalayo dahilan para haÂbulin ng mga awtoridad.
Nang makorner ng mga operatiba ang mga suspect sa may harapan ng NBP ay pinakiusapan ang mga ito na sumuko na muli namang binaleÂwala ng una hanggang sa magkaputukan. Dito na bumulagta ang tatlong suspect.
Narekober naman ng Scene of the Crime Operations, sa bangkay ng mga suspect ang dalawang kalibre 38 at kalibre .45 baril, na pawang may mga basyo ng bala; at 12 piraso ng fired cartridge cases ng kalibre 9mm at isang fired cartridge case ng kalibre .45; at isang granada.
Samantala, patay din ang dalawang miyembro ng Estribo gang nang maÂkaengkuwentro ang mga pulis makaraang mambiktima ng isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi.
Walang pagkakakilanlan ang mga suspect maliban sa ang mga ito ay nakasuot ng kulay gray na shorts at itim na t-shirt, moreno, nasa edad 35-40, kalbo; habang ang isa naman ay nasa pagitan ng edad na 30-35, nakasuot ng asul na t-shirt at naka-short pants. Isa pa sa mga suspect ang tinutugis ng kanilang tropa.
Nangyari ang insiÂdente sa may kahabaan ng E. Rodriguez Ave. maÂlapit sa Gilmore, Ave., Brgy. Marina, New Manila, ganap na alas- 10:18 ng gabi matapos na magkunwaring mga pasahero ang mga suspect at magdeklara ng holdap, gamit ang dalawang baril.
Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, sumakay ang mga suspect sa isang pampasaherong jeep (PVU-306) na may biyaheng Project 2-3/Anonas na minamaneho ng isang Roberto Alba Jr., 31, sa E. Rodriguez Sr. cor. Broadway Ave., Bgy. Mariana, New Manila.
Nang makuha ang mga gamit ng mga biktima ay bumaba ang mga suspect sa harap ng Seneca Plaza Bldg., sa E. Rodriguez Sr., Blvd., ng nasabing barangay.
Dito naman nilapitan ng mga nagpakilalang pulis ang mga suspect at pinakiusapang sumuko.
Ngunit putok ang itinugon ng mga suspect kung kaya’t napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok na ikinasawi ng dalawa sa tatlong suspect .
Narekober naman ng mga awtoridad ang dalawang piraso ng kaÂlibre 38 na paltik na baril at ilang piraso ng mga gamit ng mga pasahero.