MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang nasawi makaraang pagbabarilin ng nag-iisang suspect habang ang una ay namamasada sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Reynald dela Cruz, 32, residente ng Harmony Road, Brgy. Balingasa sa lungsod.
Base sa pahayag ng isang testigo, nag-iisa lamang umano ang salarin na naglakad lamang papalayo sa lugar makaraang isagawa ang krimen.
Nangyari ang insidente sa harap ng isang drug store sa A. Bonifacio St., malapit sa 11th Avenue Brgy. BaÂlingasa ganap na alas-8:45 ng umaga.
Ayon sa isang saksi, nasa loob siya ng drug store ng makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas.
Agad siyang lumabas upang tingnan ang pinanggaÂlingan ng putok kung saan tumambad sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima habang nakahandusay sa lugar at wala nang buhay.
Ilang hakbang ang layo sa lugar ay nakita umano ng saksi ang isang lalaki na nagÂlalakad papalayo rito.
Sa kasalukuyan, inaalam pa ng pulisya ang motibo ng naturang krimen at pagkakaÂkilanlan ng nasabing suspect.