MANILA, Philippines - Nasagip ng mga operaÂtiba ng National Bureau of Investigation ang kinidnap na Overseas Filipino Worker (OFW) habang napatay naman ang isa sa mga suspect at isa pa ang naaresto sa isinagawang rescue operation sa Talisay City, Cebu, batay sa ulat kahapon.
Ayon kay NBI Director Nonnatus Caesar R. Rojas, tagumpay na nasagip ang biktimang si Reneboy Agraviador, OFW.
Napatay naman ang isa sa limang miyembro ng kidnap for ransom group na si Wane B. Tiano, habang isa pa ang naaresto na kinilalang si Ronelo Martel Roble, 47.
Tatlo pang miyembro ng grupo kabilang ang pulis na si PO3 Lee Colina, ng PNP Cebu City ang nakaÂtakas kaÂsama ang dalawang hindi nakilala.
Sa isinumiteng report ng NBI-Central Visayas ReÂÂgional Office (CEVRO) na pinamumunuan ni Regional Director Antonio M. Pagatpat, nitong nakalipas na Lunes (Hunyo 17) isang MiÂÂnerva B. Laborada ang huÂÂmingi ng tulong sa NBI upang mailigtas ang kaniyang live-in partner na si Agraviador na dinukot.
Sa salaysay ni Laborada, alas-9:00 ng umaga nang dukutin ng lima katao ang kaniyang kinakasama sa junction ng Rabaya St., TaÂlisay City, Cebu.
Tinawagan pa umano siya ng isa sa kidnaper at humihingi ng P50,000 ransom para sa paglaya ng bikÂtima.
Matapos isuplong sa NBI at maikasa ang operasyon, nakipagkita si Laborada sa mga suspect sa Evergreen Cemetery sa SRP, Talisay City, Cebu kung saan isasagawa ang pay-off na lingid sa mga suspect ay naroon din ang mga ahente ng NBI na agad umaksiyon sa pag-aresto subalit nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng grupo ng mga suspect at mga awtoridad, kung saan tinamaan at napatay si Tiano. May nasuÂgatan din umanong ilang NBI asset sa nasabing opeÂrasyon.
Si Roble lamang ang naÂdakip at nakatakas ang iba pa.
Narekober sa katawan ni Tiano ang P50,000 at cellphone na ginamit ng grupo sa pakikipagnegosasyon, daÂlawang motorsiklo na ang isa ay pag-aari ng biktima, kalibe .45 pistola, at wallet na may iba’t ibang cards at mga personal na gamit.