MANILA, Philippines - Isang ama ng tahaÂnan at isang dalagang estudyante ang kapwa nagpatiwakal dahil sa magkaibang problema, sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Navotas City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Joseph Manahan, 50, ng Phase 10-A Bagong Silang, Caloocan at Liza Adduru, 18, ng Road 10 Sitio Sto. Niño, Brgy. NBBS, Navotas City.
Sa ulat ng Northern Police District (NPD), dakong alas-7 kahapon ng umaga nang madiskubre ng kaptibahay na si Ligaya Sarmiento ang bangkay ni Manahan na nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang isang nylon cord.
Nabatid na bago ang pagpapatiwakal, humingi ng patawad si Manahan sa mga anak dahil sa pagpaparusa niya sa mga ito.
Nag-ugat umano ang depresyon ni Manahan nang hindi na umano magpadala ng pera ang kanyang miÂsis na nagtatrabaho sa Saudi Arabia at naÂmumrublema sa gastusin para sa mga anak dahil sa wala itong saÂriling trabaho.
Dakong alas-7 naman ng Sabado ng umaga nang mawalan ng malay si Adduru sa tapat ng bahay nito. Agad namang sinaklolohan ng mga kaanak ang dalaga at isinugod sa Tondo Medical Center ngunit nalagutan rin ito ng buhay.
Nabatid sa mga manggagamot na uminom ng “silver cleaner solution†ang dalaga na siyang sanhi ng kamatayan.