MANILA, Philippines - Isang pulis-Maynila ang pinaghahanap matapos na barilin ang isang 56-anyos na lalaki na sumita sa una sa pag-ihi sa loob ng garahe ng huli sa Tondo, Maynila.
Ginagamot ngayon sa ospital ang biktimang si Abraham Guevarra ng Canal Dela Reina St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa kaliwang kamay.
Itinurong suspect ang isang PO1 Alberto Santos na residente ng Pavia St., Tondo na tumakas matapos ang insidente.
Sa report ni PO3 Gilbert Isole ng MPD-GeÂneral Assignment Section (GAS), dakong alas-11:45 ng gabi nang naganap ang insiÂdente sa loob ng bahay ng biktima.
Ayon sa salaysay ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang napansin na pumasok ang suspect sa kanilang garahe at doon umihi.
Lumabas ang biktima at sinita ang suspect na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa nagbunot ito ng baril at ipinutok sa biktima.
Matapos ang paÂmaÂmaril ay tumakas ang sus pect dala ang ginamit na baril.