P30-M mga pekeng produkto winasak

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit sa P30 milyong halaga ng mga pekeng produkto na nasamsam ng mga iba’t-ibang ahensya ng gob­yerno kaugnay ng pi­­na­ lakas na crackdown ope­rations laban sa counterfeit at pirated goods ang winasak sa isinagawang ‘ceremonial destruction’ sa Camp Crame kahapon.

Ayon kay Intellectual Property Office of the Phi­­ lippines (IPOPHL)Director Ricardo Blan­caflor ang nasabing ha­laga ay bahagi ng kabu­uang nasamsam na P35,217,820,632.09 bil­yon mga pekeng produkto sa loob ng limang buwang serye ng operasyon mula Enero hanggang Mayo ng taong ito.

Sa isinagawang ‘cere­monial destruction’ sa grandstand ng Camp Crame, dinurog, giniling at pinison ng V-150 armored vehicle ang mga pekeng produkto na kina­bibilangan ng sari-saring mga bag, sapatos, pira­ted CDS, shades, beauty products at sex enhan­ cers na may tatak ng mga kilalang brands o mga imported na produkto.

Bukod dito wiansak rin ang mga produkto na nagkakahalaga ng 30 milyong piso na kung saan, ang mga nakatatak sa counterfeit products ay kumaka­bit sa mga kilalang brand.

Ayon sa opisyal, aabot sa 790 operasyon ang isi­nagawa ng pinagsanib na puwersa ng mga ahensya ng gobyerno sa mga lugar ng Quiapo, Binondo, Metro Walk, 168 Mall, Makati Cinema Square,  St. Francis Square at Green­hills sa lungsod ng San Juan.

 

Show comments