MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang away mag-asawa ang isa sa motibo kaya nagÂdeÂsisyong magbigti ang 26-anyos na mister sa loob ng kanilang bahay sa Batasan Hills, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Naisugod pa sa East Avenue Medical CenÂter subalit idineklarang patay si Jonathan Boron.
Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, nadiskubre ang katawan ng biktimang nakabitin sa kisame ng kanilang kuwarto sa nabanggit na lugar.
Huling namataang buhay ang biktima na kasama ang kanyang misis na si Lucky Ison sa loob ng kuwarto.
Nagpaalam sa biktima ang misis na lalabas subalit pagbalik ay nakaÂkandado ang pintuan kaya nagpasaklolo ito sa kapatid na lalaki para mabuksan ang kanilang kuwarto.
Nang mabuksan ang kuwarto ay bumulaga ang nakabiting katawan ng biktima kung saan naisugod pa sa nasabing ospital subalit idineklarang patay.