Mag-ama tiklo sa mga nakaw na car accessories

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga operatiba ng pulisya ang mag-ama na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng mga nakaw na auto spare parts matapos ang pagsalakay sa kanilang lungga sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City PNP director P/Sr. Supt. Richard Albano, ang mag-amang suspek na sina Elias Teologo, 59; at Mark Teologo, 33, kapwa nakatira sa # 37 Batulao St. sa Brgy.Tatalon, Quezon City.

Ayon kay Albano, nasakote ang mag-ama matapos makatanggap ng impormasyon mula sa ilang concerned citizens kaya isinailalim sa surveillance ang nasabing lugar.

“Kaya talamak ang nakawan ng side mirror, dahil may bumibili, nga­yon kung aalisin natin ang bumibili, eh wala nang magnanakaw,” pahayag ni Albano.

Sabi ni Albano, ma­laking problema ang ga­nitong iligal na operas­yon dahil marami na ang sangkot sa pagnanakaw at karamihan ay pawang menor-de-edad.

Narekober ng mga operatiba ng pulisya ang mga car accessories na umaabot sa P55,000 halaga na pinaniniwalaang mula sa mga miyembro ng Bukas-Kotse Gang.

Pormal namang kinasuhan ang mag-ama dahil walang maipa­kitang business permit ‘to buy and sell ng second­ hand cars’ parts and accessories.

 

Show comments