Ngayong tag-ulan 2,731 search and rescue personnel ng NCRPO, handa na

MANILA, Philippines - Handa na umano sa pag-aksyon sa posibleng pagdating ng kalamidad ngayong tag-ulan ang nasa 2,731 tauhan ng National Capital Regional Police Offcie (NCRPO) na sinanay sa search and rescue operations.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Tyrone Masigan, hepe ng Regional Public Safety Battalion,  na nakaalerto na ang mga tauhan ng Water­ Survival Search and Rescue (WASAR) para tumulong sa mga biktima ng pagbabaha.

Kahapon sa selebras­yon ng Araw ng Kalayaan, iprinisinta ni Masigan ang mga kagamitan, instrumento at teknolohiya na gagamitin ng WASAR. Nagsagawa rin ang mga pulis ng demonstrasyon sa “water­ safety at survival, boat handling techniques, rope skills, high angle rescue, at paramedics skills.  

Samantala, inatasan ni NCRPO Director Leonardo Espina ang kanyang mga District Directors na italaga ang kanilang mga WASAR personnel sa mga lugar na kilalang binabaha.

Sinabi nito na kaila­ngang magtulungan ang mga istasyon ng pulisya sa pagligtas ng buhay at hindi dapat magturuan kung sino ang nakakasakop sa isang lugar.

“This is to ensure that we can provide immediate response to areas that do not have sufficient equipment. Disaster may bring great damage in a second. Kung manggagaling sa malapit na police station o district ang tulong, mabilis itong makarating sa mga nangangailangan,” dagdag ni Espina.

Show comments