11-anyos kritikal sa boga ng kalugar

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos itong barilin sa ulo ng kanyang kalugar kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Inoobserbahan sa Quezon City Ge­neral Hos­pital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang ulo ang biktimang si Jeffrey Pallares, ng Phase 4, Bagong Silang ng  naturang lungsod.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police detention cell ang suspect na si June Pama, ka-lugar ng biktima. Lumalabas sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw habang nasa labas ng bahay ang biktima nang biglang dumating ang suspect at walang sabi-sabing binaril ito. Inaalam pa ang motibo sa isinagawang pamamaril sa bik­tima.

Show comments