Sekyu binoga, dedo

MANILA, Philippines - Utas ang isang 38-anyos na security guard nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa harapan ng kanilang bahay sa Paco, Maynila,  kaha­pon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rommel Venturina, ng Mataas na Lupa St., Paco, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Mabilis namang tu­makas ang suspect na kinilala sa alyas na “Jamal”.

Sa ulat ng MPD-Ho­micide Section, da­­­ kong  alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa biktima sa harapan ng kanilang bahay.

Sinabi ng isang PO2 Roderick Agbunag, pinsan ng biktima na nakatalaga sa Caloocan Police, may narinig siyang putok at nang alamin ang pinagmulan ay nasalubong ang biktima na naghahabol na ng hi­ninga.

Isinugod pa sa paga­mutan at nakapag­sabi pa na isang alyas Jamal ang bumaril sa kaniya.Blangko pa ang pulisya sa motiobo sa naganap na krimen.

 

Show comments