MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Police District-Station 4 (Sampa loc) chief, Supt. James Afalla na mabibigyan ng sapat at maayos na seguridad ang University Belt area partiÂkular ang paligid ng University of Santo Tomas (UST) kung saan tumaas ang bilang ng mga estudyante sa España, Maynila.
Sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Afalla na bagama’t kulang sila sa mga pulis, 24 oras naman ang kanilang ginagawang monitoring katuwang ang mga barangay officials at mga close circuit television (CCTV) ng mga estalishments sa paligid.
Ayon kay Afalla, ang mga pulis at barangay officials ay magbabantay sa mga kritikal na lugar kabilang ang España, P. Noval, Lacson/ ForÂbes, N. Reyes at Legarda upang masawata ang mga petty crimes kung saan kaÂdalasang mga estudyante ang nabibiktima.
Kasabay nito, nanawagan din si Afalla hindi lamang sa mga estudyante kundi maÂÂging sa lahat na iwasang maglabas ng mga mamahaling alahas, cell phones at mga gadgets kung nasa lansangan upang hindi makatawag ng pansin sa mga criminal.
Aminado si Afalla mahirap bantayan ang 192 baÂrangay sa Sampaloc suÂbalit kanila itong kinakaya sa paÂÂÂÂmamagitan ng sistema subalit kailangan pa rin ang tulong ng publiko.
Para naman sa kinatawan ng UST na si Prof. Geovanna Fontanilla, sinabi nito na sapat ang kanilang seguridad sa loob ng UST campus subalit nangyayari ang krimen sa labas ng uniÂbersidad.
Aniya, makakabuti na dagÂdagan ang paglalagay ng ilaw sa paligid ng UST lalo na sa gabi kung saan nagsisimulang umatake ang mga criminal.
Payo rin ni Afalla, sa pubÂliko na magsampa ng reklamo upang agad na maÂipakulong ang mga salarin.