MANILA, Philippines - Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army at tatlong tauhan nito na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng gun-for-hire.
Sa pinadalang ulat ng National Bureau of Investigation -- Death Investigation DiviÂsion (NBI-DID), kinilala ang lider ng grupo na si T/Sgt. Robert Yadao, aktibong miyembro ng Hukbong Katihan ng PiliÂpinas at mga tauhan na sina mga Gerry Tactacon, 41, driÂver; Raquel Layusa, 36, consÂtruction worker; at DaÂnilo Galvan 24, tricycle driver.
Nabatid na pinasok ng NBI-DID ang lugar ng Pa yatas, sa Quezon City para matunton ang bahay ni Yadao, kung saan nakuha sa loob ng bahay ng sundalo ang isang “modified†na .45 kalibre na baril at daan-daang piraso ng mga bala.
Nahuli sina Tactacon, Layusa at Galvan sa KapaÂlaran St., Commonwealth Ave., Quezon City.
Ang pagkakadakip sa apat na suspect ay batay sa reklamo ng negosyanteng si Butch Cosme nang malaman na may plano ang grupo ni Yadao na siya ay patayin, kasama ang kanyang nanay at nakababatang kapatid.
Ayon kay NBI Senior Agent Zaldy Rivera, isa umano sa mga miyembro ng gun for hire, na nagpakilalang ‘Tata’, ang nagpakita mismo ng litrato ni Cosme, nanay at kapatid at granada na gagamitin sa harap ng ka nilang bahay.
Ibinunyag umano ng nagpakilalang ‘Tata’ na nagkaÂonsehan sa bayad kaya isiÂnumbong ang plano sa mga dapat na maging biktima.
Sinabi ni ‘Tata’ na kinonÂtrata siya ng grupo ni Yadao para patayin ang mag-ina sa halagang P150,000.
Sa report ni NBI-DID Head Agent Ferdinand Lavin, malapit na kaanak ang mastermind sa plinaplanong pagÂpatay, ngunit tumangging tukuyin ang dahilan.
Sa panig ni Yadao, na nasa kostudiya na ngayon ng Military Police ng Philippine Army Provost Marshall, mariin niyang itinanggi ang nasabing akusasyon.
Habang si ‘Tata’ ay kaÂkasuhan ng illegal possession on firearms at nakakulong ngayon sa NBI jail.