MANILA, Philippines - Bangkay na nang matagpuan kahapon ng umaga ang 27-anyos na lalaki makaraan umanong tangayin ng maÂlakas na agos ng tubig matapos na tumalon ito sa ilog para maligo sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan kamakalawa sa lungsod Quezon,
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Noli Francisco Jr., residente sa no. 503 Talayan Riverside, Bgy. Talayan, sa lungsod.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay natagpuan sa may San Juan River malapit sa Maria Blue Bridge sa kahabaan ng E. Rodriguez Blvd., Brgy. Damayang Lagi, ganap na alas-7:40 ng umaga.
Bago nito, lumilitaw na alas-10 kamakalawa ng gabi ay masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan malapit sa creek ng Talayan Riverside, nang bigla na lamang umanong tumalon ito sa ilog.
Dahil sa malakas ang buhos ng ulan, hindi na nagawang lumitaw ang biktima at tuluyan na itong tinangay ng maÂlakas na agos.
Agad namang ini-report ng kanyang mga kasamahan ang pangyayari sa PNP 117 na siyang tumawag naman grupo mula sa Philippine Coast Guard at nagsagawa ng search and rescue operation, pero bigo na silang makita ang biktima.
Ganap na alas-7 ng umaga kahapon, habang nanga ngalkal ng basura ang isang Daniel Caballero sa may San Juan River ay nagulat na lang siya nang makita ang bangkay ng biktima na nakahimpil sa naturang lugar.